
Published: May 21, 2025
Budgeting Tips for Every OFW & Seaman: How to Make Every Peso Count
​​Hindi madali ang magtrabaho malayo sa pamilya, pero mas mahirap kapag ang sahod na pinaghirapan ay hindi pa rin sapat. As an OFW o Seaman, you are not just earning for yourself, you are working for your family's dreams and future.
Kaya ang tanong, paano mo masisigurado na perang pinaghirapan mo ay magagamit ng tama at magiging sapat sa pangangailangan mo?
​
​In this guide, we will walk you through simple yet powerful budgeting tips for every OFW & Seaman para hindi masayang ang sakripisyo mo.

Tip #1: Dapat meron kang malinaw na Goal
​​​​
Before ka pa sumampa sa barko o magtrabaho abroad, tanungin mo na agad ang sa sarili mo: "Ano ba talaga ang financial goals ko? Para kanino at para saan ito?"
✔ Para mapaganda ang buhay ng pamilya?
✔ Para sa edukasyon ng mga anak?
✔ Pang-paayos ng bahay?
✔ Pampuhunan sa pagtayo o dagdag kapital sa negosyo?
Knowing your purpose will guide you on how to budget and spend every peso you earn.


Tip #2: Magkaroon ng makatotohanang Budget
​
Sabi nga ng nakakarami, para mas madali mong matandaan ang pangangailangan mo, isulat mo , huwag i-memorize lang.
Create a simple and realistic budget na magka-balance ang kita, remittance, at expenses.
✔ Allocate for family needs
✔ Magtabi para sa sarili (personal expenses)
✔ Set aside for emergency fund
✔ Plan for loan repayments (kung meron)
Stick to your budget para makaiwas sa “Bahala na si Batman" mentality.

Tip #3: Pag-isipan ang mga Pinagkakagastusan
​
Tandaan, hindi mo kailangang i-solve lahat ng problema ng pamilya mo in one go. Minsan ang padala ay hindi lang pera, kundi pag-asa at disiplina.
✔ Hindi masama bilhin ang gusto para sa sarili pero hanggat maari, iwasan ang "One day millionare" na mindset
✔ Kung may nais kang paglaanan ng pera at alam mong magigipit ka, the clear answer is "NO"
✔ Maging open na mag-discuss ng weekly o monthly budget with your family. Hindi pinipitas basta-basta ang pera
Mainam na lahat, alam ang halaga nito.

Tip #4: I-track ang iyong Savings at Expenses
​
Kahit isulat mo man sa notebook o gumamit ka ng digital sheet para sa iyong gastusin, mahalaga na masubaybayan mo ang daloy ng iyong pera.
​
Mabilis dumating at mawala ang pera, kaya't mabuti na alam mo kung saan ito napupunta.
Tip #5: Magtabi at mag-invest
​
✔ Build an emergency fund
✔ Consider investments (small business, insurance, savings account)
​
​Ang pagba-budget ay hindi lang tungkol sa patitipid, ito rin ay matalinong pagpapaikot ng pera upang ito mas lumago.
Your Hard Work Deserves Better
Hindi madali ang buhay abroad, lalo na sa dagat o ibang bansa. Ang kita mo ay bunga ng pawis at sakripisyo. Kaya siguraduhin mong bawat sentimo ay may direksyon. Sa pagba-budget, hindi lang ikaw ang nakikinabang kundi buong pamilya mo. Kaya make every peso count, Kabayan!
Follow Cepat Kredit for more OFW and Seaman guides na makakatulong sa’yo sa bawat hakbang ng iyong journey abroad!
​​
Kailangan mo ba ng tulong sa pinansyal? #BorrowYourWay using Cepat Mobile App and download it on Google Play today!

Get in Touch with us!
Contact
Email:
​
Tel: +63 917 822 7598; +63 919 059 9599
0288 412 374