
Published: February 13, 2024
The Power of Smart Borrowing:
Gabay sa wastong paghawak ng utang para sa OFWs at Seaman
Para sa maraming OFWs at Seaman, ang pagkuha ng loan ay hindi lang basta financial decision, ito ay isang hakbang palapit sa mga pangarap, isang paraan para siguruhin ang magandang kinabukasan, at isang sakripisyong ginagawa para sa pamilya.
Ano ang SMART BORROWING?
Kung ikaw ay isang OFW o Seaman, ang smart borrowing ay hindi lang basta pangdagdag ng pera, ito ay isang paraan para mapag-aral ang mga anak, mapaganda ang bahay, o kaya naman ay pangdagdag puhunan sa negosyong matagal mo nang pinaplano.
​
Pero kung hindi maayos ang paghawak ng utang, maaari itong maging pabigat sa halip na tulay papunta sa mas magandang buhay. Ang tamang pag-manage ng loan ay dapat nakatuon sa pag-abot ng pangarap, hindi sa pagbaon sa utang.
​
Tips para sa Responsible Debt Management
1. Alamin ang tunay mong pangangailangan at huwag mahulog sa Over-Borrowing
​
Bago kumuha ng loan, tanungin mo muna ang sarili mo:
-
May kinalaman ba ito sa kaligtasan at kaginhawahan ng pamilya mo, tulad ng home renovation?
-
May biglaang medical emergency ba na kailangang tugunan?
-
Kailangan mo ba ng dagdag puhunan para sa negosyo?
-
Panahon na ba para mag-downpayment sa bahay o condo unit na matagal mo nang gustong kunin?
-
Kakayanin ba ng sahod mo ang tuition ng mga anak mo?
Kapag malinaw ang purpose ng loan mo, masisigurado mong tama lang ang halaga na uutangin mo at hindi ito magiging pabigat sa’yo sa hinaharap
2. Magplano at Gumawa ng Budget
Ang budgeting ang sikreto para mapanatili mong kontrolado ang iyong finances.
-
Ilista ang iyong kita, kasama ang sahod at remittance.
-
I-track ang gastusin—bahay, bills, tuition, groceries, at iba pa.
-
Isama ang monthly loan payment para siguradong pasok ito sa budget mo at hindi maapektuhan ang iba pang gastusin.
Kapag may malinaw kang plano, mas madali mong mababayaran ang loan mo nang walang stress.
3. Piliin ang Tamang Loan at Financial Company
Hindi lahat ng loan ay pare-pareho. Pumili ng financing company na may malinaw na terms, flexible repayment options, at mga loan na nakatuon sa pangangailangan mo bilang OFW o seaman.
Ready to apply for an OFW Loan or Seaman's Loan?
​
​
​
​
​
Ang tamang financing partner ay makakatulong sa'yo para mapakinabangan nang husto ang loan mo at maiwasan ang sobrang gastos.
4. Iwasan ang Debt Traps
Isa sa pinaka-delikadong bagay sa pangungutang ay ang makulong sa debt trap kung saan napipilitan kang umutang ng panibago para bayaran ang naunang loan
Para maiwasan ito:
-
Huwag magsabay-sabay ng pagkuha ng loan
-
Siguraduhing intindihin ang terms bago pumirma sa kontrata.
-
Unahin ang pangangailangan kaysa sa luho.
Kapag matalino ka sa paghawak ng loan, ikaw ang may kontrol sa finances mo, hindi ang utang mo ang hahawak sayo.
Paano nakakatulong ang SMART BORROWING para sa mas magandang kinabukasan ?
Kapag ginagamit nang tama, ang smart borrowing ay isang powerful tool na makakatulong sa iyo at sa pamilya mo sa pangmatagalan.
-
Mas magandang edukasyon para sa mga anak mo
-
Mas maayos at ligtas na bahay para sa pamilya mo
-
Negosyong pangmatagalan na makakatulong sa financial stability mo
Ang tamang paghawak ng loan ay nangangahulugang ang sakripisyo mo ay magbubunga ng tunay na tagumpay para sa mga mahal mo sa buhay.
Borrow Wisely, Succeed Fully
Ang pangungutang ay hindi dapat pabigat, kundi tulay sa mas magandang kinabukasan. Bilang OFW o seaman, ang tamang paghawak ng utang ay makakatulong sa'yo na gawing daan ang loan para sa tagumpay, hindi sa stress.
Start your borrowing journey with confidence, and take charge of your financial success. After all, no OFW should have to struggle to get the financial help they need for their families. Apply online and enjoy fast approval and flexible terms for your next loan!​
Get in Touch with us!
Contact
Email:
​
Tel: +63 917 822 7598; +63 919 059 9599
0288 412 374