top of page
Red Flags sa Job Offers How to Spot Scams Before It’s Too Late

PublishedMarch 13, 2025

Red Flags sa Job Offers:
How to Spot Scams Before It’s Too Late

Maraming OFWs at Seaman ang nagsimula ng kanilang kwento sa simpleng hangarin. Ang mapaganda ang buhay ng kanilang pamilya sa Pilipinas.

Dahil sa pagnanais na ito, maraming offer na tulong pampinansyal ang dumating sa kanila. Nakakalungkot man isipin, ito ay nakitang oportunidad ng mga scammer upang sila ay hingan ng pera. Sa dami ng kwento ng mga kababayang na-scam, nawalan ng ipon, o nagkaroon ng mas malalang karanasan sa ibang bansa, mas naging importante ngayon ang pagiging maingat. Dapat sigurado ka na ang recruitment agency na kinakausap mo ay lehitimo, legal, at maaasahan.

​Kung ikaw ay isang OFW or Seaman na may dalang pangarap, alamin natin kung ano ang mga red flags para hindi masayang ang bawat sakripisyong pinaghirapan mo.​​​​​​​​

CEPAT KREDIT - Passport

Mga Dapat Tandaan:

Red Flag #1: Malabo o Kulang na Detalye

Kapag ang offer ay puro general information lang at walang malinaw na sumusunod:

-Salary

-Benefits

-Work conditions

-Valid Job Order (kung applicable)

At kapag sinasabi sa iyo na "Idi-discuss po natin kapag nasa ibang bansa ka na", ito ay unang sinyales na mag-ingat. Baka hindi yan legit.

1 red flag
2 red flag

Red Flag #2: Tinataranta ka sa pagmamadali

"VIP ka po namin ngayon. Ikaw po unahin namin basta makapagbayad ka po today!"

 

Pamilyar ba ang linyahan? Ito ang isa sa mga kilalang style ng mga job scam.

Ang tunay employer na nagbibigay ng opportunity, hindi ka pipilitin magdesisyon agad. Take your time para pag-aralan at suriin ang offer.

3 red flag

Red Flag #3: Sobra o Maraming Fees

 

Normal sa ilang recruitment o manning agency ang humingi ng mga fees such as placement fee, processing fee at iba pang fees pero siguraduhin na bago magbayad, ang binabayaran mo ay tama:

 

✔ May malinaw breakdown of charges

✔ May Official Receipt (OR)

✔ Walang under-the-table na transaksyon

 

Kapag wala kang hawak na document at puro cash lang? Isa nanamang malinaw na kaalaman na ito ay red flag.

4 red flag

Red Flag #4: Walang Proof o Dokumento

Real opportunities always have documents.

Kapag humingi ka nang contract, job order, or kahit basic info lang at wala silang maipakita?

Scam 'yan.

Red Flag #5: Offers na hindi makatotohanan sa sobrang ganda

“Urgent po ito at mataas ang sahod kahit walang experience."

"Tourist Visa muna tayo then i-coconvert po natin siya as Working Visa"

 

Maging mapanuri sa lahat. Kapag too good to be true ang offer, baka hindi na yan realistic. At kapag hindi naman realistic, paniguradong scam na yan.

Quick Reminder

 

✔ Always double-check or triple check the job offer and details

✔ Kumunsulta sa kapwa OFWs o Seaman groups

✔ Basahin at intindihin muna bago pumirma

✔ It's your right to ask question. 'Wag kang matakot magtanong

Ang goal mo ay hindi lang makaalis ng bansa, kaakibat nito ay ang makaalis ng ligtas, lehitimo, at buo ang tiwala sa haharapin mong trabaho. Kaya bago ka sumabak sa next step, siguraduhin protektado ka.

Dala mo ang pangarap ng pamilya mo, kaya huwag hayaang ito ay masira dahil lang sa isang scam.

Maging mapanuri. Maging matatag. At higit sa lahat, maging maingat.

Follow Cepat Kredit for more OFW and Seaman guides na makakatulong sa’yo sa bawat hakbang ng iyong journey abroad!

You may also download our Cepat Kredit mobile app to apply for a loan.

CEPAT KREDIT QR MOBILE APP

Ready to apply a loan?

You shouldn't have to go through so much hassle to get a loan that's right for you.

Get in Touch with us!

Contact

Email: 

Tel:  +63 917 822 7598; +63 919 059 9599

0288 412 374

  • CEPAT KREDIT - Facebook
  • CEPAT KREDIT -  LinkedIn
  • CEPAT KREDIT -  Tiktok
bottom of page