
Published: June 25, 2025
J1 at H1B Visa: Alin ang Bagay sayo para makapag trabaho sa US?
Maraming Pilipino ang nangangarap makapagtrabaho sa ibang bansa. Hindi lang para matugunan ang pangangailangan ng pamilya, kundi para rin sa mas malawak na career opportunities at personal growth.
Pero kung gusto mong magtrabaho especifically sa U.S., hindi lang basta opportunity ang hanap, kailangan tama ang visa para sa goals mo.
​
Dalawa sa mga pinaka-karaniwang options ngayon para sa skilled workers, professionals, at trainees ay ang J1 Visa at H1B Visa.
Kung hindi ka pa familiar or naririnig mo lang ito dati, in this guide, we’ll break it down for you: ano ang purpose ng bawat visa, sino ang pwedeng mag-apply, at paano ito makakatulong sa career journey mo abroad.
Ano ang J1 Visa?
​
Ang J1 Visa, o kilala ding “Exchange Visitor Visa,” ay para sa mga taong gustong mag training or mag-aral sa U.S. bilang bahagi ng cultural exchange programs. Layunin nitong ipalitaw ang cultural exchange habang hinahasa ang skills ng mga J1 Visa holders.
Mayroong 16 na categories sa ilalim ng J1 Visa, tulad ng:
​
-
Au Pair (tagapag-alaga ng bata)
-
Camp Counselor
-
College and University Student
-
Secondary School Student
-
Government at International Visitor
-
Physician (medical training)
-
Professor at Research Scholar
-
STEM Initiatives
-
Teacher
-
Trainee at Intern
-
Summer Work Travel
-
Short-Term Scholar
-
Specialist
Kung ikaw ay fresh graduate, trainee, o professional na gusto ng short-term development experience sa U.S., J1 Visa might be the one for you. ​​
Ano naman ang H1B Visa?
​
Ang H1B Visa naman ay para sa mga skilled workers na may job offer mula sa isang U.S. employer. Isa ito sa mga pinaka-in demand na visa dahil bukod sa mataas sahod, ito ang nagbubukas ng pinto sa mas stable na trabaho at long-term stay sa U.S.
Ito ay para sa mga may specialized skills sa mga larangan gaya ng:
​
-
Information Technology (IT)
-
Engineering
-
Accounting & Finance
-
Architecture
-
Healthcare & Nursing
-
Education
-
Law, and more
Maaari itong maging pathway papunta sa green card or permanent residency. Kung ang long-term plan mo ay manatili sa Amerika, H1B Visa might be the one for you.
Kaya kung kasalukuyang nagtatrabaho ka sa U.S. with J1 o H1B Visa, alam nating hindi doon natatapos ang mga kailangang paghandaan.
​
Kasama pa rin ang araw-araw na gastusin, personal allowance, at patuloy na suporta para sa pamilya sa Pilipinas.
​
Sa mga pangangailangan pinansyal para sa mga life goals at emergencies, dito pumapasok ang Cepat Kredit bilang maasahang katuwang mo sa buhay abroad.
​
Sa pamamagitan ng aming OFW Loan, maaari kang makakuha ng up to ₱700,000 para sa:
✔ Family allowance – para tuloy-tuloy ang suporta mo sa mga mahal mo sa buhay
✔ Personal pocket money – para sa sarili mong pangangailangan habang nasa abroad
✔ Emergency fund – para may maaasahan ka sa hindi inaasahang gastos
​
Kahit nasa ibang bansa ka na, may maaasahan ka pa ring partner dito sa Pilipinas. Nandito ang Cepat Kredit para tumulong sa iyo.
J1 o H1B? Tulad Mo, May Sariling Potential Ang Bawat Visa
​
Ang bawat visa ay may kanya-kanyang purpose.
✔ Kung ikaw ay nagsisimula pa lang sa career at gustong magkaroon ng international training or internship, baka J1 Visa ang para sa’yo.
✔ Pero kung ikaw naman ay may specialized experience at nais ng mas long-term na oportunidad sa U.S., maaaring mas bagay ang H1B Visa.
SCAN ME!

Download the Cepat Mobile App today!
Get in Touch with us!
Contact
Email:
​
Tel: +63 917 822 7598; +63 919 059 9599
0288 412 374